in

‘Sirkus’ nina Mikee Quintos at Mikoy Morales, mapapanood muli

Good news para sa fans ng Sirkus dahil ipapalabas muli ang hit fantasy-series na pinagbidahan nina Mikee Quintos at Mikoy Morales simula June 13 sa GMA.

Matatandaang umani ng papuri ang nasabing GMA Public Affairs-produced series nang una itong umere noong 2018. Kinagiliwan din ito ng netizens na humanga sa cinematography, effects, at kakaibang konsepto nito.

Umikot ang kuwento ng Sirkus sa fraternal twins na sina Miko (Mikoy) at Mia (Mikee) na lumaki sa poder ng isang traveling circus na Sirkus Salamanca sa pangunguna ni Leviticus (Gardo Versoza) matapos ang misteryosong pagkawala ng kanilang mga magulang. Kinailangang takasan nina Miko at Mia ang villainess na si La Ora (Cherie Gil) na gagawin ang lahat upang mapasakanya ang kambal.