in

Sheena Halili, ipinasilip ang baby bump  

Blooming ang Kapuso actress at soon-to-be mom na si Sheena Halili dahil mukhang hiyang siya sa kanyang pagbubuntis.

Sa latest Instagram post ng aktres, ipinakita niya sa kanyang followers ang growing baby bump habang nakasuot ng brown bikini. 

Aniya, “Vitamin D for mommy and baby. #20weekspregnant.”

Bumuhos naman ang mga papuri sa comment section mula sa kanyang fans at kapwa celebrities. Isa na nga rito ang fellow Kapuso mom na si Max Collins na napa-comment ng, “Sexy mama!!”

Sa hiwalay naman na post ay ibinahagi ng asawa ni Sheena na si Jeron Manzanero ang kanilang ‘first family’ photo. Baby girl ang ipinagbubuntis ni Sheena. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Viewers, relate sa mga bagong shows ng GMA News TV!

‘Iba ‘Yan’ ni Angel Locsin, may benefit concert para sa drag queens na apektado ng lockdown