in

‘Saksi,’ balik-telebisyon na!

Kahit na inilagay na sa general community quarantine o GCQ ang maraming lugar sa bansa, kasama na ang Metro Manila, ay patuloy pa ring lumalaki ang pangangailangan natin sa mga reliable news source.

Kaya naman magandang balita ang pagbabalik ng late-night newscast na Saksi anchored by Arnold Clavio at Pia Arcangel simula ngayong Lunes, June 1.

Marami nga ang natuwa sa announcement ng GMA News sa Facebook page nito last weekend tungkol sa pagbabalik ng Saksi. At ngayon ngang reunited na muli sina Igan at Pia bilang tagapaghatid ng balita, makakaasa tayong walang patid pang lalo ang impormasyong ating matatanggap hindi lamang tungkol sa COVID-19 kundi sa iba’t ibang kaganapan sa loob at labas ng bansa. Sama-sama muli tayong magiging Saksi!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Dokyu ni Atom Araullo tungkol sa COVID-19, pinag-usapan!

‘T.G.I.S.’ Batch 3, makikipagkulitan sa ‘Just In’