in

Ruru Madrid, may kanta sa paghihintay ng tamang panahon sa pag-ibig

Maganda ang simula ng bagong taon ng Kapuso Action Drama Prince na si Ruru Madrid at may bago itong ni-release ng single sa ilalim ng GMA Music na pinamagatang ‘Maghihintay.’

Sa komposisyon ni Mark Atienza, ang ‘Maghihintay’ ay awit ng isang lalaking handang hamakin ang lahat kahit na maghintay ng matagal para sa tamang panahon na maksama ang babaeng minamahal.

Ibinahagi ni Ruru na nakaka-kilig at relatable ang kantang ito, “Hindi siya hugot na masakit, makakapag-bigay siya ng hope. Masarap pakinggan, feel-good. Para siya sa mga taong hoping doon sa taong gusto nila makasama habambuhay.”



Noong nakaraang taon, nakapaglabas na rin siya ng kaniyang debut single sa GMA Music na may title na ‘Nawawala.’

Sa ngayon, naghahanda na rin si Ruru sa kaniyang pagbabalik sa TV sa programa ng News and Public Affairs na ‘Lolong’ kung saan makakasama niya ang mga Kapuso actresses na sina Sanya Lopez at Kim Domingo.

Ang ‘Maghihintay’ ay puwede na mapakinggan at available na sa Spotify, Apple Music, YouTube Music, at iba pang digital stores worldwide.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Concerned Artists Of The Philippines, nagpahayag ng suporta sa franchise renewal ng ABS-CBN

‘Love Thy Woman’ ng KimXi, pinakabagong family drama sa hapon