in

Ruru Madrid, bigatin ang mga makakasama sa ‘Lolong!’

Bigatin ang cast ng upcoming GMA Telebabad serye na “Lolong” na pagbibidahan ng Kapuso actor na si Ruru Madrid. Bukod kay Shaira Diaz at Arra San Agustin na nauna nang ipinakilala bilang leading ladies ni Ruru, kasama rin sa adventure series ng GMA Public Affairs ang mga beteranong aktor na sina Christopher de Leon, Jean Garcia, Bembol Roco, at Malou de Guzman.

Mapapanood din dito sina Rochelle Pangilinan at Ian de Leon kasama pa sina Mikoy Morales, Paul Salas, DJ Durano, Marco Alcaraz, at Maui Taylor. May special na pagganap naman sina Leandro Baldemor at Priscilla Almeda.

Overwhelmed nga raw si Ruru sa titular role na ipinagkatiwala sa kanya ng Kapuso Network. “I feel so blessed na pinagkatiwala sa akin ang proyektong ito. Ang maipapangako ko lamang po sa inyong lahat ay talagang ibubuhos ko po ang lahat dito.”