in

Rocco Nacino, ipasisilip ang bahay sa ‘Sarap, ‘Di Ba?’ ngayong Sabado

Makakasama ng Legaspi family ang Descendants of the Sun actor na si Rocco Nacino ngayong Sabado (August 1) sa Sarap, ‘Di Ba? Bahay Edition. 

Samahan sina Carmina Villarroel, Zoren, Mavy at Cassy Legaspi sa masayang laro na ‘I Can Do It’ kung saan may masayang bulgarang magaganap. May simple house project din sina Zoren at Mavy na pwedeng gawin para mas organized ang inyong garahe.

Hindi dapat palampasin ang kumustahan at chikahan nila Carmina at Cassy kasama si Rocco na ipasisilip ang kanyang bagong bahay at magpapamalas din ng galing sa pagkakarpintero. 



May inihanda ring madali at masarap na recipe sina Carmina at Zoren na pwedeng sundan ng parents para sa kanilang family meal time with kids.

Tumutok sa nakakaaliw na bagong segments hatid ng Legaspi family sa loob mismo ng kanilang tahanan sa ‘Sarap, ‘Di Ba? Bahay Edition’ tuwing Sabado, 10:45AM, sa GMA Network.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Bea Binene, forever thankful sa ‘Tween Academy’ friends

Glaiza de Castro, enjoy sa Baler