in

Rhian Ramos, maraming nami-miss gawin habang naka-quarantine

Masaya ang Kapuso actress na si Rhian Ramos dahil kasalukuyang ipinapalabas ang Philippine adaptation ng Stairway to Heaven, kung saan katambal niya si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Gayunman, marami na rin daw siyang nami-miss sa mga dati niyang ginagawa lalo na’t dalawang buwan na rin mayroong enhanced community quarantine. 

“Nami-miss kong makita ‘yung sister ko, ‘yung mommy ko dahil hindi ko sila kasama ngayon. May mga certain food na nami-miss ako na galing sa mga ibang restaurants. At saka ‘yung mga workout classes! Gusto ko kasi ‘yun before eh. ‘Yung ‘pag nag-workout ka may malaking group para competitive kayo. Ngayon sinusubukan kong mag-workout sa bahay pero minsan sa totoo lang nakakatamad eh,” kuwento niya.



“Minsan nga gusto ko ‘pag pupunta ‘kong supermarket hindi ko na dinadala ‘yung kotse. Nilalakad ko na lang tapos binabagalan ko ‘yung lakad ko para lang maaarawan. Sobrang miss ko lang lumabas. Saka siyempre malaki siyang change sa usual life ko which is showbiz. You see hundreds of people everyday sa taping. Hundreds ‘yung nakakausap mo everyday. Marami kang nakikilalang bagong tao araw araw. Very different lang pero nakapag-adjust na rin. Two months na eh,” dagdag pa ni Rhian.

Samantala, patuloy abangan ang Stairway To Heaven, Lunes hanggang Biyernes, 3:25 pm sa GMA Afternoon Prime.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Julie Anne San Jose, happy at proud sa tagumpay ng ‘Pepito Manaloto’

‘Doctor Atom’, nanggulat sa viewers