in

Rachelle Ann Go, ibinahagi ang quarantine life sa London

Sinusulit ng international theater actress na si Rachelle Ann Go ang bawat oras niya para maka-bonding ang asawang si Martin Spies habang naka-quarantine sa London.

Sa interview ng Kapuso actress sa Unang Hirit, ikinuwento niya ang buhay may-asawa nilang dalawa. 

Aniya, “Kakalipat lang namin. My husband got the keys around December tapos nu’ng pagbalik ko dito nu’ng February, ready na ‘yung bahay. Ngayon lang talaga ko nagkaroon ng normal time with the husband. Nagluluto, dinner together, first time namin. Parang ngayon lang kami kinasal talaga. I am very grateful for this time.”

Naging busy rin daw siya sa pagde-decorate ng kanilang bahay habang naka-quarantine. “Actually halu-halo ‘yung gusto ko but gusto lang naming very chill. We love hosting people, families and friends. Ang aming tema ay warm country house, rustic,” dagdag pa niya.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Cherie Gil, magkakaroon ng online acting masterclass

Legaspi twins, Kyline Alcantara, at Andre Paras, maghaharap sa ‘Quiz Beh!’