in

Pinoy adaptation ng “Descendants of the Sun,” inaasahang magtataas ulit ng bandera ng AlDub

Maraming mga fans sina Alden Richards at Maine Mendoza, kilala bilang tandem na AlDub na talagang hit na hit noong 2015, na ang magiging Philippine adaptation ng “Descendants of the Sun” na gagawin ng GMA Network ay nararapat lamang ibigay sa dalawang Kapuso stars.

Bakit naman hindi?

E deserving naman ang dalawa na mabigyan pa ulit ng chance for a teleserye together kahit na underwhelming ang naging result ng nauna nilang teleserye na “Destined To Be Yours.” Talagang mapa-AGB Nielsen o Kantar Media man, hindi maikakailangang talo ang kauna-unahang AlDub teleserye na ang katapat noon ay “My Dear Heart” na pinagbibidahan nina Zanjoe Marudo at Bela Padilla.

Kaya naman mega-push ang mga fans sa social media para maisakatuparan ang reunion teleserye nina Alden at Maine at sana nga ay ang “Descendants of the Sun” na ‘yun.

Kayo ba? Gusto ba ninyong sina Alden at Maine ang gumanap na lead stars ng Pinoy adaptation ng “Descendants of the Sun” ng GMA Network?

https://twitter.com/RonaldoFCabuhat/status/1085051647313743872

Written by Catri Onay

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Handa na ba si Vice Ganda? “The Boobay And Tekla Show” aarangkada na!

Suzette Doctolero, sinisiguradong “maganda” ang ‘Kara Mia’, itatapat sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano?’