in

Paolo Contis, sasalang bilang guest sa ‘Just In’

Ilang araw nang trending ang mga pelikulang “Ang Pangarap Kong Holdap” at “Through Night & Day” tampok ang Kapuso actor and comedian na si Paolo Contis sa video streaming site na Netflix kaya naman very thankful si Paolo sa mainit na pagtangkilik ng publiko sa kanyang acting skills mapa-comedy man o heavy drama.

“There are a lot of comedians na talagang comedy lang talaga ‘yung concentration nila. Mayroon naman na puro drama. I’m very happy na isa ako sa konting character actors na nagagawa both effectively, I hope,” lahad ni Paolo. 

At kung dati siya ang host, si Paolo naman ngayon ang guest na makakapanayam ni Vaness del Moral para sa isang special episode ng online kumustahan na ‘Just In’ ngayong Biyernes (July 17). 

Siguradong makabuluhan at laugh trip ang interview na ito dahil muling babalikan ng Kapuso star ang kanyang experiences noong ginawa niya ang mga pelikulang “Pangarap Kong Holdap” at “Through Night and Day.”

Abangan ‘yan ngayong Biyernes, 8pm, sa GMA Network Facebook page at GMA Artist Center YouTube channel. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Premyadong Kapuso public affairs shows, nasa primetime na simula July 20

Carmina Villarroel, strikto sa curfew ng mga anak