in

Pamilyang pinapaalis sa inuupahang bahay, wagi ng house and lot Sa “Piling Lucky” ng ‘It’s Showtime’

Hindi na kailangang mag-alala ng maybahay na si Marissa Rocha na paalisin ang pamilya niya mula sa inuupahan nilang kwarto, matapos niyang manalo ng bagong house and lot mula Lessandra sa jackpot round ng “Piling Lucky” sa “It’s Showtime.”

“Napakalaking tulong sa amin na magkaroon kami ng bagong bahay, na hindi na kami nangungupahan. Wala na kaming babayaran, kuryente at tubig na lang po. Malaking kaluwagan po sa amin ‘yun,” sabi ni Marissa, 32.

Kasama ang kanilang isang taong gulang na anak, natutulog at kumakain sa isang maliit na kwarto sa Sta. Ana, Manila sina Marissa at ang asawang si Christian, isang rental car driver. Bahagi ito ng isang bahay kung saan kasama nilang tumira ang mga kamag-anak ni Christian – ang lola, tiyahin, at mga kapatid niya. Buwan-buwan naman, nagtutulungan ang magkakapatid na mabayaran ang renta.



Higit sa 24 taon nang nangungupahan ang pamilya ni Christian sa bahay. Ngunit noong nakaraang taon, ipinagbigay-alam sa kanila ng may-ari na kailangan na nilang maghanap ng malilipatan dahil ibebenta na niya ito.

“Dapat nga nung last year pa po ‘yun. Matagal na kaming sinasabihan. Kaya po siya naghahanap para kung paalisin man kami, may malilipatan kami,” kwento ni Marissa.

“Nagtitingin nga ako ng bahay sa Facebook, sa Cavite. ‘Ma, kung gusto mo ng bahay, P2,000 lang (kada buwan).’ ‘Naku, huwag na ‘yan, mahal ‘yan.’ ‘Yun pala, meron palang parating,” kwento ni Christian.

‘Dream come true’ para sa pamilya ang bumukod, at naenganyo ang mag-asawang sumali sa “Piling Lucky” nang mapanood sa “It’s Showtime” na house and lot ang jackpot prize nito. “Nagsimba pa nga kami noong Linggo, nagpabasbas pa kami,” pagbabahagi ni Christian.

Dahil sa “Piling Lucky,” kampante na ang loob ni Marissa at ng kanyang pamilya dahil makakalipat na sila sa isang “Arielle” two-storey townhouse na may laking 36 square meters sa loteng may laking 42 square meters. Naglalaman din ito ng dalawang kwarto, sala, dining area, kusina, at banyo. Dala ng Lessandra sa kanila ang ginhawa dahil bukod sa magagandang bahay, mayroon ding club house, swimming pool, basketball court, at playground ang komunidad. Madali ring puntahan mula rito ang mga bilihan, paaralan, ospital, simbahan, at pangunahing kalsada at sakayan.

Ang Lessandra ay nag-aalok ng abot-kaya at de-kalidad na mga tahanan para umangat ang buhay ng bawat Pinoy. Saktong sakto rin ang komunidad nito sa pamumuhay ng mga kabataang nagtatrabaho at nagsisimulang pamilya.

Bago pa kay Marissa, nauna nang mabiyayaan ng “Piling Lucky” ang unang milyonaryo nitong si Ryan, na nagwagi ng P1.1 milyon noong Pebrero 14.

Subaybayan ang “It’s Showtime” mula Lunes hanggang Sabado ng tanghali sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167). Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Twitter, Instagram, at Facebook at bisitahin ang abscbnpr.com. Para naman mapanood ang episodes ng programa, mag-download ng iWant app (iOs at Andoid) o mag-register sa iwant.ph.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Lovi Poe, Marco Gumabao, Tony Labrusca, bibida sa sexy drama na ‘Hindi Tayo Pwede’ ng Viva Films

‘Family Is Love’ ng ABS-CBN at walo pang kampanya, wagi sa 11th Araw Values Awards