in

Pagbabalik ni Anne Curtis sa ‘It’s Showtime’, nagtrend worldwide

Masaya naman si Vice Ganda na unti-unting nako-kompleto ang kanilang pamilya at nagjoke na baka malapit na rin makita ni Jhong Hilario ng madlang pipol.

Nag-uumapaw ang excitement ng madlang pipol sa pinaka-iintay nilang pagbabalik ng nag-iisang ‘Pambansang Dyosa’ na si Anne Curtis sa “It’s Showtime.”

Kaya naman nagtrending worldwide ang kanyang unang pagtapak sa programa matapos ang mahigit dalawang taon at talagang kinagiliwan ang kanyang opening performance.


“Namiss ko yung ganda at sexy ni Anne. Yung pagiging mapagmahal niya. Namiss ko rin yung mismong ikaw,” sabi niya.

Ang mga bago naman sa programa na sina Ogie at Kim ay naglahad din ng mga bagay na nilo-lookforward na nila magawa kasama si Anne.

Ani ni Ogie, “Ngayon na nanay ka na, I look forward to your stories as a mom kasi alam mo marami akong anak. Magkakwentuhan tayo about sa anak-anak. Ang sarap pakinggan yung views mo as a mother.”

Para naman kay Kim, “Alam mo na palagi akong nagco-comment sa iyo sa IG stories for all your ganaps. I’m so happy na personal ko na masasabi sa iyo na ‘bongga’ ‘cute’ ganyan. Best in comment ako sa IG mo and now masasabi ko na ng personal with feelings, emotions, and facial expressions.”

Masaya naman si Vice Ganda na unti-unting nako-kompleto ang kanilang pamilya at nagjoke na baka malapit na rin makita ni Jhong Hilario ng madlang pipol.

Panoorin ang “It’s Showtime” mula Lunes hanggang Sabado sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.