in

‘Owe My Love,’ mapapanuod na sa Netflix PH simula October 1

Talagang mapapa-OML ang fans ng Team SenMig dahil mapapanood na nila muli ang kilig, iyak, at tawa nina Sensen Guipit at Doc Migs sa Owe My Love! Magiging available na ito sa Netflix Philippines simula October 1.

Ang hit romantic-comedy series ng GMA Public Affairs ay pinagbibidahan nina Lovi Poe bilang si Pacencia “Sensen” Guipit at Benjamin Alves bilang Dr Miguel “Migs” Alcancia. Umiikot ang kuwento nito sa pagatataguyod ni Sensen sa kanyang pamilya sa pamamagitan sa pagpasok sa iba’t ibang raket. Makikilala niya ang heart surgeon na si Doc Migs na nag-aalaga sa kanyang Lolo Badong. Sa pagkrus ng kanilang landas ay magkakaroon ng utang si Sensen kay Doc Migs at habang binabayaran niya ito, ang sukli sa kanilang dalawa ay unti-unting nagiging pag-ibig. Bukod sa kilig at tawa ay marami din itong hatid na financial lessons sa manunuod.

Kasama rin sa masayang cast ng Owe My Love ang Comedy Concert Queen na si Aiai Delas Alas, Winwyn Marquez, Jackie Lou Blanco, Nova Villa, Ruby Rodriguez, Pekto Nacua, Buboy VIllar, Kiray Celis, Ryan Eigenmann, Jelai Andres, Jon Gutierrez, Jason Francisco, Divine Tetay, Terry Gian, at ang yumaong komedyante na si Mahal.

Mapapanuod na ang Owe My Love sa Netflix Philippines simula October 1.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Erich Gonzales, ibubulgar ang kabit ni Agot Isidro sa ‘La Vida Lena’

Kapuso personalities, join na rin sa #24OrasChallenge!