in

‘One True Love’ nina Alden Richards at Louise delos Reyes, muling mapapanood sa GMA Network

Muling balikan ang walang hanggang pagmamahalan ng mga karakter nina Tisoy at Elize sa rerun ng 2012 GMA drama series na ‘One True Love’ ngayong Agosto.

Ang serye na ito ay pinagbidahan nina Asia’s Multimedia Star Alden Richards at Louise delos Reyes.

Tumatak at napamahal ng husto sa puso ng mga manonood ang kwento ng buhay ni Tisoy at ang matapang niyang pagharap sa mga pagsubok para ipaglaban ang pag-ibig niya para kay Elize.



Bukod kind Alden at Louise, tampok din sa serye sina Jean Garcia, Agot Isidro, Raymond Bagatsing, Carlene Aguilar, Bembol Roco, Winwyn Marquez, at Benjie Paras.

Abangan ang pagbabalik ng One True Love simula Agosto 10 sa GMA Afternoon Prime.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Tim Pavino, handog ang madamdaming acoustic version ng ‘Dalangin’

Rhian Ramos, aliw sa pagta-tie dye