in

Netizens, aliw sa Q&A vlog ni Carmina Villarroel kasama ang mga kapatid

Sa recent YouTube vlog ni Sarap, ‘Di Ba? host Carmina Villarroel, inimbitahan niya ang tatlong nakatatandang kapatid upang maglaro ng ‘How well do you know your sister?’. 

Dahil nalalapit na ang kaarawan ng Kapuso actress-TV host sa August 17, may inihanda siyang 17 questions para alamin kung sino sa tatlo ang mas nakakakilala sa kanya.

Ibinuking din ng magkakapatid ang ilang detalye tungkol sa kanilang bunso na si Carmina gaya ng kanyang mimi pillow na lagi niya dapat hawak sa pagtulog. Pansin naman ng netizens ang closeness at tila likas na pagkamasayahin ng magkakapatid, “Ganyan din po kami mag-bonding ng mga kapatid ko. Ang saya panoorin kayong magkakapatid kasi nakakatuwa!”

Samantala, abangan ang birthday celebration ni Carmina sa special episode ng Sarap, ‘Di Ba? ngayong Sabado (August 15), 10AM, sa GMA Network. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Rhian Ramos, aminadong isa nang ‘quarantita’

‘DOTS’ male stars, bibida sa Kapuso ArtisTambayan