in

Mr. and Ms. Chinatown Philippines 2020, mapapanood sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live

Kokorohan na ngayong Linggo (Oktubre 18) ang mga bagong ambassador ng Filipino-Chinese youth sa pinaka-prestiryosong Fil-Chi competition na Mr. and Ms. Chinatown Philippines na mapapanood sa online nang live sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live.

Dahil hindi na ito mapapanood sa live stage dahil sa pandemya, bago na rin ang challenges na haharapin ng 24 na kandidato. Wala na ang cultural costume parade at talent competition. Sa halip, bibigyang halaga ng pageant ang confidence, creativity, at culture.

Sa confidence challenge, sumailalim ang contestants sa casual interviews, press interviews, at spoken showdown. Kinilala sina Don Tang, Alexi Enriquez at Julianne Yap bilang Winners Circle’s Choice awardees, at pinaghatian naman nina Beef Co and Cassandra Chan ang Darlings of the Press Award.



Bukod sa nasabing challenge, natapos na din ang dalawang pang pagsubok na kinaharap ng contestants nitong Oktubre 11 (Linggo).

Huwag palampasin ang pagharapharap ng mga kandidato sa coronation night ngayong Linggo. Mapapanood ang pageant sa Kapamilya Online Live from 11 AM to 12 PM at Kapamilya Channel mula 10:45 PM hanggang 11:45 PM.

Ang Mr. and Ms. Chinatown ay isang proyekto ng Miss Chinatown Foundation Inc at Fil-Chi Media Productions Inc. (Chinoy TV) na binibigyang pagkakataon ang mga kabataang Chinese maging role model para sa social change at pati na rin ng kulturang Chinese sa makabagong panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

ABS-CBN, nanguna para sa Pilipinas sa Asian Academy Creative Awards 2020

Ianna Dela Torre, may hatid na good vibes sa ‘Pinapa’ Dance Challenge