in

Mikee Quintos, nais maghatid ng inspirasyon sa bagong single

Isang bagong single ang hatid ng Kapuso actress na si Mikee Quintos para sa lahat ng dumaranas ng pagsubok ngayon.

Ang single na ‘Ngayon’ ay alay ni Mikee sa mga taong nawalan ng mga mahal sa buhay dahil sa pandemya.

Sa panayam ng 24 Oras, ibinahagi ni Mikee na isang malapit na kaibigan ng kanilang pamilya ang pumanaw dahil sa COVID-19.



Kwento niya, “When I heard the news, it was really sad. Nakakaiyak lang na ‘yung thought na walang burol, hindi pwedeng magburol. Inikot nila ‘yung coffin niya in a car sa barangay. Sobrang biglaan lang ng lahat. I’m praying for everyone who lost a loved one during COVID-19 pandemic.”

Dagdag pa ng Encantadia star, ang single niya ay may hatid na mensahe tungkol sa pag-asa at pagiging positibo sa kabila ng mga pagsubok.

“I really like how the tone sends a positive feeling. Parang good vibes siya. I wanted to inspire people na gamitin ‘yung time na mayroon tayo ngayon. Gawin na lahat ngayon ng hindi nila nagawa before. See the brighter side of things with everything that’s going on kahit ang lungkot ng news, kahit ang lungkot ng mga nangyayari sa atin, it’s up to us to make good news for ourselves.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Kapuso beauty queens, magpapamalas ng talino sa ‘Quiz Beh!’

Bianca Umali, nakipag-bonding sa fans online