in

Mikael Daez, may tips sa pag-edit ng vlogs

May dalawang simpleng tips si Kapuso actor and Love of my Life star Mikael Daez sa mga aspiring vlogger na gustong pagbutihin ang kanilang editing skills.

Isa raw sa ginagawa niya ay ang manual in-camera transition kung saan pagkatapos mag-film ay dahan-dahan niyang inilalayo ang kamera mula sa subject o ang tinatawag na ‘panning out’.

“Ang nangyayari doon is nagkakaroon na kaagad ng transition at the very end of your video,” ani Mikael.

Isa pang trick nito ay maghanap ng mga kakaibang angulo na nakabibilib sa perspective ng viewers.

“If you put just a little bit of effort na, what if you put the camera at your feet or what if you put it above your head? Dapat lagi mong baguhin ‘yung angle mo,” dagdag ng Kapuso actor.

Samantala, habang tigil muna sa taping ng pinagbibidahang GMA primetime series na Love of my Life, aktibo si Mikael at asawang si Megan Young sa kanilang YouTube vlogs at podcasts at online gaming for a cause.  

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Barbie Forteza, malaki ang pasasalamat sa Kapuso Network

‘All-Out Sundays’ barkada, may hatid na stay-at-home Father’s Day special ngayong Linggo