in

Mikael Daez, binalikan ang unang pagkikita nila ni Marian Rivera

Sinariwa ni Love of my Life star Mikael Daez ang tila awkward first encounter nila ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera taong 2011 para sa GMA series na ‘Amaya.’

Sa latest episode ng podcast na #BehindRelationshipGoals kasama ang asawang si Megan Young, pinag-usapan ng celebrity couple ang kanilang mga naging karanasan sa showbiz industry.

Kwento ni Mikael, nagsisimula pa lang daw siya noon bilang artista kung kaya’t hindi pa niya gamay ang mundo ng entertainment. 



Hindi rin daw ganoon kapamilyar si Mikael kay Marian ng panahong iyon kung kaya’t hindi rin niya alam kung paano pakikitunguhan ang aktres.

“I go in and Marian Rivera’s there, there’s a table [and] she says ‘Oh, hi, ako si Marian.’ And then she extended her hand and I reached over and I’m like, ‘Hey, ‘sup? I’m Mik.’ And then umalis ako. So many things were happening but yeah I was a jerk. I’m sorry. Yanyan, I love you, you’re amazing, you’re beautiful. I was a jerk.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Heart Evangelista, enjoy sa shooting range kasama ang asawa

Iya Villania, ipinakilala si Baby Alana sa publiko