in

Mga pelikula ng GMA Films, mapapanood sa ika-4 na PPP Festival!

Muling mapapanood ang ilan sa mga dekalidad na pelikula ng GMA Network na tumatak sa Filipino moviegoers sa ika-4 na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) Festival simula Nobyembre 20 hanggang Disyembre 13 sa kanilang Main Feature Film Showcase.

Matutunghayan ulit ang directorial debut ng Kapuso Comedy Genius na si Michael V. na “Family History,” kung saan nakasama niya ang aktres na si Dawn Zulueta at sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Kasama rin sa mapapanood dito ang “Jose Rizal,” “Muro-ami,” “Moments of Love,” “Saranggola,” “Sa Pusod ng Dagat,” at “Deathrow.”

Para sa mga detalye kung paano makakakuha ng slot sa online PPP festival, bisitahin lang ang FDCP Channel website na https://fdcpchannel.ph/ at subaybayan ang updates sa GMA Network social media pages.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Paolo Contis, ‘single dad for a day’ sa bagong vlog!

Yassi Pressman, bumigay na kay Richard Gutierrez sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’