in

Maymay Entrata, AC Bonifacio at KZ Tandingan, may mga new single pasabog sa ‘ASAP Natin ‘To’

Bibida ngayong Linggo (Nobyembre 21) ang mga new single pasabog nina Maymay Entrata, AC Bonifacio, at KZ, isang New Gen tribute para sa songwriter na si Jonathan Manalo, at marami pang iba sa “ASAP Natin ‘To” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Pakatutukan ang pagrampa nina Maymay at AC, tampok ang kani-kanilang bagong single na “Amakabogera” at “Fool No Mo!” na susundan din ng kantahan mula kina Erik Santos, Nyoy Volante, Jason Dy, with Lian Kyla, Marlo Mortel, SAB, Reiven Umali, Anthony Castillo, JM Yosures, Adrian Manibale, Sam Cruz, Angela Ken, Moira Lacambre, Sandino Martin, at iDolls sa “Star Magic Presents.”

May inihanda muling sorpresa sa ASAP stage ang Asia’s Soul Supreme na si KZ tampok ang bago niyang single na “11:59.”


At maki-throwback sa ’80s duets nina Darren, Morissette, Erik Santos, KZ, Ogie Alcasid, Nina, Zsa Zsa Padilla, Jason Dy, Jed Madela, at Regine Velasquez sa “The Greatest Showdown.”

Talagang todo-todo ang sayang hatid ng longest-running musical variety show sa bansa, ang “ASAP Natin ‘To,” ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.