in

Max Collins, nagkaroon ng baby room tour sa Casa Magno

Isa sa mga pinagkakaabalahan ng soon-to-be Kapuso mom na si Max Collins ay ang pag-aayos ng kanyang baby’s room. Kaya naman nagbigay ng tour ang aktres sa Unang Hirit sa magiging kwarto ng kanilang anak ni Pancho Magno.

Ipinasilip ni Max ang ilang gamit ng kanyang panganay at kabilang na dito ang ibinigay na damit ng kaibigan na si Andrea Torres.

Aniya, “This is the baby room. Hindi pa siya tapos pero ito ‘yung mga gamit ni baby. We have this cute little rocker. And ito ‘yung mga damit na ibinigay sa amin. Ito galing ‘to kay Andrea Torres.”



Pinakita rin ni Max ang inflatable pool kung saan siya manganganak. Napagdesisyunan ng mag-asawa na mag-home birth dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.

Kaya naman nanonood sila ni Pancho ng online gentle home birth classes bilang paghahanda sa kanyang panganganak. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Kyline Alcantara, may plano na para sa debut?

Sofia Pablo, trending ang twist sa isang popular drink