in

‘Masarap sa pakiramdam na nakabalik ako muli sa ABS-CBN compound.’ Judy Ann Santos, balik hosting sa ‘Magandang Buhay’

Ani ni Juday na ngayon na lang ulit siyang nagka-live show pero makukuha rin daw niya ulit ang tyempo sa hosting tulad ng co-hosts na sina Jolina at Melai.

Masayang masaya ang Queen of Philippine Soap Opera na si Judy Ann Santos sa kanyang muling pagtapak sa ABS-CBN bilang guest ku-momshie nina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros sa “Magandang Buhay.”

“Isang taon na rin simula noong lumabas ako sa telebisyon at masarap sa pakiramdam na nakabalik ako muli sa ABS-CBN compound. Napaka-pamilyar sa pakiramdam na nakita ko kayong lahat. Nagpapasalamat ako sa opportunity na ito dahil happy na happy ang puso ko,” sabi ni Judaysalive episode nitong Martes (Hunyo 21).


Sa naturang episode, naka-tsikahan ng tatlo ang lead star ng “Flower of Evil” na si Lovi Poe pati na ang co-stars nito na sina Pinky Amador at Rita Avila, at direktor na si Darnel Villaflor. Napag-usapan nila ang role ng bagong Kapamilya star sa palabas bilang si Iris at ang feeling na makatrabaho si Piolo Pascual.

Saad ni Lovi, “He’s the most genuine actor na nakasama ko sa isang show. Napaka-bait niya at napaka-maalaga. Very sincere as an actor. Lahat ng gusto mo sa isang guy nasa kanya.”

Samantala, hindi rin nakalagpas si Juday na tanungin din kung paano naman as a leading man sa kanya si Piolo.

“Actually, Piolo is a very good actor. Professional siya. Mahusay siyang magpakilig. Alam niya yung timpla niya,” sabi niya.

Mas lalong magiging masustansya at masarap ang umaga ng viewers ng “Magandang Buhay” dahil makakasama nga nina Melai at Jolina si Judy Ann sa darating na fresh episodes ng morning show.

Huwag palampasin ang “Magandang Buhay” mula Lunes hanggang Biyernes 9 AM sa A2Z, Kapamilya Channel, at Jeepney TV, sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, at sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

Para sa iba pang update, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, and TikTok, or visit www.abs-cbn.com/newsroom.