in

‘Marry Me, Marry You,’ Bini-BGYO Docu, at ‘The Gaming House’ mapapanood nang libre sa iWantTFC

Libre at walang humpay na entertainment ang handog ng iWantTFC buong buwan ng Setyembre dahil ipapalabas nito nang walang bayad ang unang Kapamilya teleserye ni Janine Gutierrez, bagong episodes ng “Click, Like, Share” at “Hoy Love You Two,” isang docu series tungkol sa BINI at BGYO, at ang inaabangang mala-PBB na reality show para sa mga gamer.

iWantTFC subscribers ang unang makakapanood sa simula ng “Marry Me, Marry You,” ang bagong family drama nina Janine at Paulo Avelino na tatalakayin ang kaugaliang Pinoy na kapag ikakasal sa taong minamahal ay kailangan ding pakasalan ang buong pamilya nito. Simula Setyembre 11, ipapalabas ang latest episodes ng serye sa iWantTFC dalawang araw bago iere sa TV.

Nagsimula na ring mapanood sa iWantTFC ang docu series na “One Dream: The BINI x BGYO Journey” kung saan ilalahad ang mga pinagdaang pagsubok ng dalawang P-pop groups bago at pagkatapos nilang mabuo at ang mga paghahanda nila para sa nalalapit nilang sibling concert ngayong taon. May bagong episode na mapapanood tuwing Sabado, 10 PM.


Libre na rin sa iWantTFC ang dalawang pelikula ni Kathryn Bernardo: ang “Can’t Help Falling in Love,” kung saan aksidente siyang ikakasal kay Daniel Padilla, at ang highest-grossing Filipino film of all time na “Hello Love Goodbye” na pinagbidahan niya kasama si Alden Richards.

Masusubukan din ang pagmamahalan nina Adrian Lindayag at Keann Johnson sa “Love Beneath the Stars” pagkatapos nilang maghalikan sa all-boys Catholic school nila.

Mae-enjoy ang mga ito nang libre sa Pilipinas kapag nag-download ng iWantTFC app (iOs at Android) o nagrehistro sa iwanttfc.com. Libre ring napapanood sa iWantTFC ang higit sa 10,000 oras ng iba’t ibang pelikula, ABS-CBN shows, Kapamilya classics, newscasts, lifestyle shows, Asianovelas, lahat ng iWantTFC originals, at iba pang digital content.

Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa [email protected]