in

Maricel Soriano, pinalayas ni Iza Calzado sa ‘Ang Sa Iyo Ay Akin’

Puso ng isang anak ang nawarak nang malaman ni Ellice (Iza Calzado) na may alam ang inay-inayan niyang si Lucing (Maricel Soriano) sa sikreto nina Marissa (Jodi Sta. Maria) at Gabriel (Sam Milby) sa hit seryeng “Ang Sa Iyo Ay Akin.”

Pakiramdam ni Ellice na para rin siyang pinagtaksilan ni Lucing sa pagtakip nito ng katotohanan na anak nina Marissa at Gabriel si Baby Jacob. Agad niya itong pinalayas at hindi hinayaang magpaliwanag.

Patong-patong na nga ang hinanakit niya matapos siyang baliktarin ng kanilang dating Chief Finance Officer nang siniwalat niya sa board ang nalamang mga anomalya sa kompanya.



Kahit ipilit niya kay Gabriel na tama ang kanyang akusasyon, mas pinaniwalaan ng kanyang asawa si Marissa.

Sa nangyari, ano kaya ang susunod na hakbang ni Ellice para mapatunayan ang kanyang mga akusasyon? Kailan din kaya niya isisiwalat sa lahat na alam na niya ang tinatagong sikreto ng dalawa?

Huwag kalimutang sundan ang painit nang painit na kwento nina Ellice, Marissa, at Gabriel sa “Ang Sa Iyo Ay Akin” sa A2Z channel sa marathon telecast nito tuwing weekend at ang bagong episodes nito gabi-gabi.

Ang A2Z channel 11 ay mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga. Maaari rin itong mapanood sa iba’t ibang cable TV at satellite TV providers sa buong bansa.

Patuloy pa rin itong mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 8:40 PM sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa). Ito rin ay nasa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iwant app o iwanttfc.com. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

ABS-CBN, ilulunsad ang bagong barkada na kagigiliwan ng viewers sa ‘Bagong Umaga’

‘Bagong Umaga’ stars at Enchong Dee, makikipagkulitan sa ‘It’s Showtime’ ngayong Lunes