in

Madam Inutz niregaluhan ng bahay at lupa ni Wilbert Tolentino

Umaariba ang career ni Madam Inutz (Daisy Lopez), ang mama-bentang live seller ng Cavite.

Todo alaga siya ng kanyang manager, ang former Mr. Gay World titlist, sikat na businessman, social media influencer, at philanthropist na si Wilbert Tolentino.

Bago siya pumasok sa Pinoy Big Brother ay ini-release ang kanyang debut single na ‘Inutil’.


Samantala, walang tigil ang sorpresa ni ka-freshness Wilbert sa kanyang alaga.
Bago rin pumasok sa PBB si Madam Inutz ay binigyan siya ng bahay at lupa ng kanyang manager sa Bulacan nu’ng Oct. 5 bago kinuha ng PBB para sa kanyang hotel quarantine. Naiyak ito sa tuwa.

Mapapanood sa Wilbert Tolentino VLOGS ang buong detalye ng regalo niya. https://www.youtube.com/watch?v=RkoNbgTgQes .

“Huwag ka na umiyak.Deserved mo ‘yan, deserved mo ito,” bulalas ni Kuya Wil.
Motivation gift ito para paghusayan pa ni Daisy ang laban niya sa Pinoy Big Brother para manalo siya. 85 square meter ang house and lot pero ang floor area niya ay 55 square meter. Kailangan pa itong bakuran kaya pagagandahin nila ito habang nasa PBB house ang alaga. Dalawang palapag siya pero balak ni Sir Wil na gawing third floor para matirhan ng buong pamilya ni Madam Inutz. Puwede rin itong lagyan ng tindahan.

Hindi siya magarbo pero puwedeng daanan ng tao at nasa bungad ng subdivision.
Sey pa ni Sir Will maraming isinakripisyo si Madam Inutz na endorsement.
“Puwede naman siyang kumita sa labas although pinili ko na ipasok siya sa PBB,” sambit pa ni Wilbert.

Maraming inilaan na pagbabago at plano si Kuya Wil na kaabang-abang para kay Madam Inutz at sa kanyang mga supporters.

Hindi mapigilan ang paimbulog ng career ni Madam Inutz sa pamamahala ni Sir Wilbert.Maski ang mga netizen na humusga sa kanya bilang manager ay naging masaya dahil napatunayan nito na may nagawa siya sa career ng kanyang talent. Bukod dito, sini-secure niya ang future ng pamilya ni Madam Inutz.
Mabuhay ka Wilbert.