in

Luke Conde, anniversary episode ng ‘Wish Ko Lang!’ ang unang GMA Network project!

Thankful ang bagong Kapuso na si Luke Conde dahil malaking proyekto na agad ang kinabilangan niya sa GMA. Kasama kasi si Luke sa month-long 19th anniversary celebration ng Wish Ko Lang!

Ngayong Sabado (July 17), ipalalabas ang episode na pagbibidahan nina Albert Martinez at Kelvin Miranda. Gaganap si Luke na third party sa relasyon ng mga karakter nina Kelvin at Crystal Paras sa kuwento.

“Nagpapasalamat po ako sa Wish ko Lang. Isang karangalan po na ito ang aking unang project with Kapuso Network dahil nakasama ko ulit si Tito A (Albert), at first time ko naman makatrabaho si Kelvin. Isa ito sa mga programa na nakakakapagbigay inspirasyon sa mga manunuod,” share ni Luke.

Nag-enjoy rin daw siya sa naging set nila sa programa. “Masaya po at magaan ang atmosphere sa set. Sa adjustment naman po, pakiramdam ko isa po akong transferee from other school na nangangapa pa sa mga new classmates, pero naging madali naman po ang adjustment dahil welcoming at accommodating po ang mga Kapuso artists at staff.”

Marami pa raw dapat abangan ang Kapuso viewers kay Luke pero bago lahat ng ‘yan, watch na muna ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, 4 pm sa GMA Network!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Digitally restored na ‘Kasal, Kasali, Kasalo’ nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, mapapanood sa KTX

Vice Ganda, nagregalo ng P100,000 para sa mga kasambahay sa ‘Everybody, Sing!’