in

LOOK: Pahayag ng ABS-CBN News tungkol kay Noli “Kabayan” De Castro

Ipinabatid na sa amin ng aming Kapamilyang si Noli “Kabayan” De Castro ang kanyang hangaring tumakbo sa darating na halalan sa 2022.

Nirerespeto ng ABS-CBN ang desisyon niyang ipagpatuloy ang paglilingkod niya sa bayan bilang isang opisyal ng gobyerno.

Alinsunod sa aming patakaran, kailangang bitiwan ni Kabayan ang mga programang “TV Patrol,” “Kabayan,” at “TeleRadyo Balita” kapag pormal na niyang inihain ang kanyang kandidatura.