in

LOOK: Cast ng ‘Las Hermanas,’ enjoy sa kanilang lock-in taping

Nasa lock-in taping na ang lead stars ng upcoming GMA Afternoon Prime series na ‘Las Hermanas.’ 

Tampok sa serye ang pagsasama ng mahuhusay na Kapuso actresses na sina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, at Faith da Silva na gaganap bilang magkakapatid. Makakasama rin nila sina Jason Abalos at ang nagbabalik-Kapuso na si Albert Martinez. 

Mapapansin naman sa behind-the-scene photos na ibinahagi ni Yasmien sa kaniyang Instagram na tila enjoy ang lead stars sa kanilang lock-in taping. 

Biro pa ng aktres, “Las Hermanas soon on GMA 7. #TheLoveSisters. May photobomber kami, pang-apat sa Las Hermanas. Chos! Meet Gabriel (Jason).” 

Mula sa direksyon ni Monti Puno Parungao, abangan ang nakakaintrigang kuwento ng Las Hermanas sa GMA-7. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Eula Valdez, naghimala sa ‘Huwag Kang Mangamba’

Yam Concepcion, bibigyan ng anak si JM de Guzman sa ‘Init Sa Magdamag’