in

Kyline Alcantara, may plano na para sa debut?

Inamin ni Kyline Alcantara na nagsisimula na ang kanyang preparasyon para sa kanyang 18 birthday celebration bago ang implementasyon ng enhanced community quarantine sa Luzon.

“Yes. Honestly, nagpe-prepare na ako for my debut like the venue. I’m planning na magsesend na rin sana ako ng designs sa magde-decorate ng debut ko. Magsesend na rin dapat ako sa magbe-bake ng cake ganyan,” kwento niya.

Sa September 3 ay magiging ganap nang dalaga ang Kapuso actress. Mayroon na rin siyang listahan ng mga gustong imbitahan. “’Yung ibang friends ko, na-invite ko na rin, nakapag-ready na rin ako ng list. Sana hindi abutin ng September ‘tong pandemic, pero kung hindi man matuloy, at least we’re all safe. Kumbaga, hindi naman masyadong importante ‘yung debut or ‘yung birthday kumpara sa nangyayari sa mundo.”



Samantala, kasalukuyang napapanood si Kyline sa ‘Kambal, Karibal’ gabi-gabi sa GMA Telebabad.

Para naman sa mga nakaka-miss din sa Bilangin ang Bituin sa Langit, mapapanood pa rin ang full catch-up episodes nito sa GMANetwork.com o sa GMA Network App.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

LJ Reyes, laking pasasalamat sa pagpapasaya ng bunsong si Summer

Max Collins, nagkaroon ng baby room tour sa Casa Magno