in

Kriz Gazmen, pinangalanang bagong head ng ABS-CBN Films

Inanunsyo ng ABS-CBN na si Kriz Anthony Gazmen na ang bagong head ng ABS-CBN Film Productions Inc. simula May 1, kapalit ni Olivia Lamasan na magreretiro na pero mananatili bilang consultant ng kompanyang nasa likod ng Star Cinema at Black Sheep Productions.

Inanunsyo ng ABS-CBN na si Kriz Anthony Gazmen na ang bagong head ng ABS-CBN Film Productions Inc. simula May 1, kapalit ni Olivia Lamasan na magreretiro na pero mananatili bilang consultant ng kompanyang nasa likod ng Star Cinema at Black Sheep Productions.

Bago ang appointment na ito, nagsilbing business unit head ng Black Sheep si Kriz. Malikhain, innovative, at business savvy, naging instrumental siya sa pagpapakilala sa nasabing film outfit noong 2018 at naghatid ng makabagong paraan ng pagkukwento sa matatagumpay na pelikula tulad ng “Exes Baggage” (2018) at “Alone/Together” (2019).


Samantala, magsisilbing namang consultant ng kompanya si Olive na kilala rin bilang ‘Inang’ sa industriya. Patuloy niya itong gagabayan sa paggawa ng content at pagbuo ng partnership at pati na rin sa talent management sa pamamagitan ng RISE Artists Studio.

Mahigit 34 taon nang bahagi ng ABS-CBN ang award-winning filmmaker na naghatid ng mga hindi malilimutang pelikula tulad ng “Sana Maulit Muli” (1995), “Madrasta” (1996), “Milan” (2004), “In the Name of Love” (2011), “The Mistress” (2012), “Starting Over Again” (2014), at “Barcelona: A Love Untold” (2017). Mahalaga rin ang naging papel niya sa telebisyon sa pagiging bahagi ng ABS-CBN programs na “Maalaala Mo Kaya,” “Pangako Sa’Yo,” “Forevermore,” at iba pa.

Sa gitna ng matitinding pagsubok ng pandemya, pinangunahan naman ni Olive ang iba’t ibang venture at partnership ng ABS-CBN Films na nagbigay-daan para mapanood ang content nito sa iba’t ibang platform habang nanatili ito bilang maaasahang producer ng mga kwentong naghahatid ng inspirasyon sa mga Pilipino.