in ,

Koronasyon ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi, nagtala ng bagong live viewership record sa YouTube

Balikan ang kaganapan sa most beautiful day ng bansa na nagtala ng all-time high na 641,000 concurrent viewers sa live airing nito noong Sabado (Abril 30) sa YouTube channel ng ABS-CBN na napapanood na ngayon ng LIBRE sa nasabing YouTube channel at iWantTFC.

Balikan ang kaganapan sa most beautiful day ng bansa na nagtala ng all-time high na 641,000 concurrent viewers sa live airing nito noong Sabado (Abril 30) sa YouTube channel ng ABS-CBN na napapanood na ngayon ng LIBRE sa nasabing YouTube channel at iWantTFC.

Bukod sa pagbasag ng live viewership record nakakuha rin ito ng 4.1M views sa parehas na YouTube channel at 4.2M views sa Facebook page highlights ng ABS-CBN Entertainment.


Hindi lang ang korona ang nasungkit ng pambato ng Pasay kundi ang special awards tulad ng Best in Swimsuit at Most Photogenic.

Panoorin muli kung paano rumampa at pinakita ang kani-kanilang katalinuhan sa Q & A portion ng iba pang winners na sina Miss Universe Tourism 2022 Michelle Dee, Miss Universe Charity 2022 Pauline Cucharo Amelinckx, Miss Universe 2022 first runner-up Annabelle McDonnella, at Miss Universe 2022 second runner up Ma. Katrina Llegado.

Huwag din palampasin ang ginawang pasabog at makasaysayang final walk ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez suot ang kanyang Francis Libiran Tuxedo suit habang namnamin ang OPM performances nina EZ Mil, Sam Concepcion, JM Bales, at Arthur Nery pati na ang pagpukaw ng damdamin ng viewers ng American Idol Finalist na si Francisco Martin.

Saksihan ang lahat na nangyari sa kakatapos lamang na MissUniversePhilippines 2022 via streaming at video-on-demand kasama ang inyong pamilya sa iWantTFC at ABS-CBN Entertainment YouTube Channel.