in

Kim Molina, hit na hit ang movie! Launching ni Super Tekla, masaklap ang naging kapalaran sa takilya

Umabot na ng Php 29.5 million ang kinita ng ‘Jowable’ ng reel to real magjowa na sina Kim Molina at Jerald Napoles habang ang katapat na movie na pinagbibidahan ni Super Tekla ay tahimik at hindi mabilang kung ano ba talagang kinita ng movie na ito.

Ayon sa aming nasagap na balita, hindi man lang ito umabot sa Php 1 million sa unang araw nito at ngayong weekend ay nagbawas pa ito ng mga sinehan. Masaklap talaga ang ang naging kapalaran ng movie na ito lalo na’t naunang magyabang ang bida sa pelikulang ‘Kiko En Lala’ na sa halip gawing healthy competition ang mangyari sa kanila ng ‘Jowable,’ tinawag na niya itong “balaj” or balahura.

But well, tadhana na ang nagsabi ng mas may karapatan na tumabo sa takilya at kung sinong karapat-dapat langawin.

When “karma” strikes nga ba? Or baka hindi naman siya naniniwala dun…

Written by Catri Onay

Leave a Reply

Your email address will not be published.

BFFs No More? Bela Padilla at Dani Barretto, hindi na nagfofollow sa isa’t-isa

Hindi nagustuhan! Bagong format ng ‘Studio 7,’ inalmahan ng mga avid viewers