in

Kim Atienza, nag-bonding kasama sina ‘You Do Note Girl Majo’ at ‘Gigil Kid Carlo’ sa ‘Matanglawin’

Masaya ang pasok ng bagong dekada ni Kuya Kim Atienza dahil sumabak agad ito sa isang adventure kasama ang viral kid sensations na sina “You Do Note Girl Majo” at “Gigil Kid Carlo” para sa episode ng “Matanglawin” ngayong Linggo (Enero 12).

Bumisita sa ‘Bearseum’ ng bansa na puno ng maraming teddy bears sina Kuya Kim at ang social media stars na sina Majo at Carlo na kilala rin sa YouTube bilang ‘Tambalang CarJo,’ kung saan agad silang namangha sa handog ng museo, habang walang patid naman ang pagbabahagi ni Kuya Kim ng trivia tungkol sa teddy bears.

Ipapakita rin ng “Matanglawin” ang cute at nakakatakam na ‘street food stuffed toys’ na pwedeng paglaruan ng mga bata tulad nina Ging Ging the Banana-Cute at Kweenie the Kwek Kwek.



Samantala, sanib-pwersa naman sina “It’s Showtime” BidaMan Dan at Jiro para ipamalas ang kanilang pagkamalikhain sa paggawa ng tie-dyes gamit ang environment-friendly na pintura na mula sa atsuete, luya, at kulay ng mga halaman.

Huwag palampasin ang isa na namang nakakaaliw na episode ng “Matanglawin” kasama si Kuya Kim ngayong Linggo (Enero 12), 9:45 am sa ABS-CBN at iWant. I-follow @MatanglawinTV on Facebook and Twitter. Para sa updates, i-follow @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang abs-cbn.com/newsroom.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Catriona Gray at pageant para sa mga bata, binuksan ang 2020 ng ‘It’s Showtime’

Namiss ninyo ba? Liza Soberano at Enrique Gil, balik-primetime na!