in

Kilalanin ang mga makakasama ni Jane de Leon sa ‘Darna’ TV series

Makakasama ni Jane De Leon ang award-winning young actors na sina Joshua Garcia at Zaijian Jaranilla sa pinakahihintay na “Darna: The TV Series” ng ABS-CBN na ididirek ni Chito S. Roño.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ng live cast reveal na ginawa pa sa ABS-CBN Soundstage sa San Jose Del Monte, Bulacan na sinundan din ng story conference para sa bagong TV adaptation na magsisimula nang mag-taping sa susunod na buwan.

Si Zaijian ang magbibigay-buhay sa papel ni Ding, ang nakababatang kapatid at sidekick ni Darna/ Narda (Jane). Si Joshua naman, na gaganap bilang pulis at EMT na si Brian, ang magiging love interest ni Narda.


Hango ang inaabangang TV adaptation sa minahal na karakter na binuo ni Mars Ravelo, na ang nalalapit na ika-115 birth anniversary ay nakatakdang gunitain sa darating na Oktubre 9.

Ang JRB Creative Production ng ABS-CBN ang magproprodyus ng serye.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, o TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.