in

KathNiel at cast ng ‘2 Good 2 Be True,’ tampok ngayong Linggo sa ‘ASAP Natin ‘To’

Itodo na ang long weekend at maki-party kasama ang paborito ninyong Kapamilya stars, tampok ang mga kaabang-abang na world-class performances, ngayong Linggo (Mayo 8) sa “ASAP Natin ‘To” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Itodo na ang long weekend at maki-party kasama ang paborito ninyong Kapamilya stars, tampok ang mga kaabang-abang na world-class performances, ngayong Linggo (Mayo 8) sa “ASAP Natin ‘To” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Bago ang inaabangang balik-teleserye ng country’s premier loveteam na KathNiel, samahan muna sa ASAP stage ang Asia’s Superstar Kathryn Bernardo at ang Supreme Idol of this generation Daniel Padilla kasabay ang “2 Good 2 Be True” co-stars nilang sina Via Antonio, Hyubs Azarcon, Smokey Manaloto, Alyssa Mulach, Bianca de Vera, Gillian Vicencio, Matt Evans, Yves Flores, Cris Villanueva, Gelli de Belen, Romnick Sarmenta, Irma Adlawan, at Ronaldo Valdez na may kasamang senti kantahan mula kay Moira dela Torre.


Talagang papunta pa lang tayo sa exciting part dahil makikihataw rin sa ASAP stage ang online sensation na si AC Soriano pati ang dance hotties na sina AC Bonifacio, Darren, at Enchong Dee.

Paniguradong trending din ang online dance hits hatawan nina Kyle Echarri, Jeremy G, Jameson Blake, Jin Macapagal, Karina Bautista, Krystal Brimner, Awra Briguela, at viral TikTok star na si Argie Roquero.

At damhin ang inspirasyon at pag-asa sa proudly Pinoy vocal showdown nina Gary V., Martin, Ogie, at Regine kasama sina Erik Santos, Jed Madela, Vina Morales, Moira dela Torre, Jason Dy, Nyoy Volante, Darren, Jayda, Kyle Echarri, KD Estrada, Alexa Ilacad, Anji Salvacion, Sheena Belarmino, Sam Mangubat, Reiven Umali, JM Yosures, Fana, Lara Maigue, Angela Ken, Jordan Andrews, Benedix Ramos, at vocal trio iDolls.

Huwag palampasin ang all-star concert experience na ito mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang “ASAP Natin ‘To,” ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.