in

KarJon at iba pang Kapamilya stars, tampok sa ‘Dear MOR Celebrity Specials’

Isang level up experience ang hatid ng isa sa mga nangungunang podcast sa Spotify na “Dear MOR” sa viewers nito dahil mapapanood ang “Dear MOR Celebrity Specials” sa YouTube channel ng MOR.

Boses nina Karina Bautista, Aljon Mendoza at ilan pang Kapamilya stars ang mapapakinggan sa “MOR Celebrity Specials,” kung saan 12 iba’t ibang kwento ng pag-ibig ang matutunghayan simula Hunyo 10 (Biyernes) hanggang Agosto 26 (Biyernes).

Isang level up experience ang hatid ng isa sa mga nangungunang podcast sa Spotify na “Dear MOR” sa viewers nito dahil mapapanood ang “Dear MOR Celebrity Specials” sa YouTube channel ng MOR.


Hindi lang ang boses ang mapakikinggan ng viewers dahil mapapanood din kung paano idi-nub ng Kapamilya stars ang iba’t ibang kwento na mapapanood sa YouTube channel ng MOR.

Huwag palampasin ang “Dear MOR Celebrity Specials,” na parte ng “Made for YouTube” simula Hunyo 10 (Biyernes) hanggang Agosto 26 (Biyernes), 12NN o sundan ang video on demand nito kada Lunes sa YouTube channel ng MOR.