in

Kapuso personalities, join na rin sa #24OrasChallenge!

Tuloy pa rin ang pagdami ng mga gustong ma-experience what it’s like to be a broadcaster dahil maging ang Kapuso stars sumali na rin sa #24OrasChallenge na trending ngayon sa Tiktok!

Ilan na rito sina Carla Abellana, Thea Tolentino, Elijah Alejo, Faith Da Silva, Luke Conde, Ashley Ortega, Jennifer Maravilla, Ashley Rivera, at Crystal Paras.

Maging ang Biyahe Ni Drew host na si Drew Arellano, game maki-chika minute with his wife and Chika Minute anchor na si Iya Villania-Arellano.