in

Kaila Estrada, pinahiya at ibinuking si Charlie Dizon sa ‘Viral Scandal’

Naganap na ang pinakakinatatakutang mangyari ni Rica (Charlie) matapos siyang pahiyain ni Raven (Kaila Estrada) sa buong Balai Arkitektura at sabihin ang tungkol sa kanyang viral video nitong Miyerkules sa “Viral Scandal” na nagtop sa Hot list ng “WeTV iflix.

Pinaratangan ni Raven si Rica na isa itong sinungaling matapos daw ipakalat na rapist ang kanyang pinsan na si Jigs (Markus Patterson). Hindi naman nanahimik si Rica at ipinaglaban niyang totoong na-rape siya ng lalaki ngunit nang makita ang mukha ng kanyang mga katrabaho ay natakot siya at pinili na lang takbuhan ang mga ito.

Dahil sa nangyari, nahimatay si Rica nang makarating sa kanilang bahay habang ipinaliliwanag kay Kakay (Dimples Romana) ang nangyari.


Subaybayan ang “Viral Scandal” gabi-gabi ng 9:20 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, iWantTFC, WeTV iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.