in

Julie Anne San Jose, relate sa character niya sa ‘Heartful Café’

May pagkakatulad daw si Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose sa kanyang karakter sa upcoming Kapuso romantic-comedy series na ‘Heartful Café.’

Tampok sa serye ang fresh team up nina Julie Anne at ng Kapuso heartthrob na si David Licauco.

Iikot ang kwento ng Heartful Café kay Heart Fulgencio (Julie Anne), isang hopeless romantic at online romance novelist na may-ari ng coffee shop na ‘The Heartful Café.’ Dadating sa kanyang buhay si Ace Nobleza (David), ang businessman na tutulong kay Heart upang maisalba ang naluluging coffee shop.


Abangan ang nakakakilig na love story nina Heart at Ace sa Heartful Café, simula April 26, weeknights pagkatapos ng First Yaya, sa GMA Network at GMA Heart of Asia.