in ,

Julie Anne, naki-bonding sa fans sa ‘Kapuso Fans Day on TV’

Bago mapanood ang first leg ng online show ni Julie Anne San Jose na “Limitless, A Musical Trilogy” ngayong September 17, naki-bonding muna ang Asia’s Limitless Star sa kanyang fans mula Luzon, Visayas, at Mindanao nitong Biyernes sa pamamagitan ng “Kapuso Fans Day on TV” handog ng GMA Regional TV.

Super thankful ang Kapuso singer sa mainit at patuloy na pagsuporta ng kanyang fans mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

“Salamat kasi hanggang ngayon ay nandito pa rin kayo para po sa akin and you still choose to support me. And I’m so, so grateful sa lahat ng mga effort at oras ninyo na ibinigay sa akin,” say pa ni Julie.