in

Julia Barretto gustong gumanap na mistress ala ‘The World of the Married,’ trending sa social media

  • Gustong gumanap ni Julia Barretto bilang mistress or kontrabida character gaya ni Ye Da Kyung ng ‘The World of the Married’
  • Ayon sa netizens, bagay naman ang mistress role kay Julia
  • Si Julia ay na-involve bilang third-party sa hiwalayan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson na nagtrending sa social media

Mukhang trending na naman nag Kapamilya star na si Julia Baretto matapos kumalat sa social media na gusto niyang gumanap bilang mistress or kontrabida character gaya ni Ye Da Kyung(Denise) sa sikat na Korean drama “The World of Married Couple”

Sa Twitter post ng Kapamilya Online World, sinabi ni Julia na nais niyang subukan ang character ni Ye Da Kyung sa pinang-gigilan na K-drama na ‘The World of Married’.

Ang Korean actress na si Han So Hee ay gumanap bilang isang mistress na si Ye Da Kyung. Ito ang character na nagbigay sa kanya ng big break sa K-drama world.

Ayon sa mga netizens sa Facebook comment section, bagay na bagay naman ang role kay Julia at mukhang mahihigitan niya ang tunay na gumanap na Da Kyung. Ang iba namang mga fans ay lalong humanga kay Julia na very open gumanap ng isang off beat role.

Kung matatandaan last year, si Julia ay ang itinuturong third-party sa hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson na nagtrending sa social media after ng cryptic message ni Bea Alonzo sa social media nang magviral ang pictures ni Julia at Gerald na magkasama sa birthdya ng kaibigan nilang si Rayver Cruz.

Written by Rhelyn Harder

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mikael Daez at Megan Young, muntik nang mag-break?

Rhian Ramos, nag-share ng beauty secret