in

Jon Lucas, thankful sa tiwala at pagmamahal ng GMA Network

Lubos ang pasasalamat ni Jon Lucas sa pagmamahal at pagtitiwala na binibigay sa kanya ng GMA Network simula nang maging ganap siyang Kapuso last year.

Isa sa mga pinagpapasalamat ng Kapuso actor ay ang pagkakataon na binigay sa kanya na maging parte ng star-studded cast ng Philippine adaptation ng Descendants of the Sun. Dito ay nakatrabaho niya sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Ultimate Star Jennylyn Mercado. 

Aniya, “Dumating na ang isa sa mga bagay na ikararangal ko bilang Kapuso, na ako po ay napagkalooban ng pagkakataon na makasama sa isang proyekto ang ating Big Boss na si Sir Dingdong Dantes at ang nag-iisang Jennylyn Mercado. Yun po siguro ang nakaka-proud na moment as of now as a Kapuso.”

At dahil ipinagdiriwang ng istasyon ang ika-70 anibersaryo nito, dasal ni Jon na magpatuloy ang tagumpay at paghahatid ng serbisyong totoo ng kanyang home network.

“Sa GMA po at sa atin pong mga Kapuso, unang una, ako po ay nagpapasalamat sa ating Panginoong Diyos dahil patuloy niyang binibigay sa atin ang tagumpay. Sana po ay patuloy pa po Niya kayong gantimpalaan ng mga biyaya para po marami pa po kayong matulungan at para patuloy po na maisagawa ang paghahatid ng serbisyong totoo. Patuloy po kayo mag-iingat at sana mahayag pa sa buong mundo at sa ating mga kababayan na ang GMA ay tunay na Kapuso nila habang sila ay nabubuhay,” dagdag pa niya. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mikael Daez, masaya na naging Kapuso

Aicelle Santos at Maricris Garcia, reunited dahil sa ‘Wish Ko Lang’