in

JM de Guzman, bibida bilang minerong lumalaban para sa hustisya sa ‘MMK’

Kaya naman ng malaman ni Mel na may “unfair practices” na ginagawa ang kompanya ay naghain sila ng kaso laban sa mga ito.

Bibida si JM de Guzman bilang isang minerong lalaban para sa hustisya dahil sa pagkakamali ng kompanyang pinagtratrabahuan sa two-part Father’s Day special ng MMK” simula ngayong Sabado (Hunyo 11).

Ani ni JM, malaki ang natutunan niya sa kanyang karakter sa palabas.Sabi pa ni JM, tulad ng kanyang karakter ay hindi niya igi-give up ang kanyang prinsipyo.

“May mga bagay na alam mong tama tapos napu-push ka na pa ng paligid mo na gawin yung mali kasi mas madali pero hindi mo gagawin ‘yun. Doon ka pa rin sa tama,” saad ng Kapamilya actor.

Sa naturang kwento, kilalang may prinsipyo at may malasakit ang lider ng mga minero na si Mel (JM). Lahat nga ay gagawin niya para mapabuti ang buhay ng kanyang pamilya pati na ang kanyang mga kasamahan.

Kaya naman ng malaman ni Mel na may “unfair practices” na ginagawa ang kompanya ay naghain sila ng kaso laban sa mga ito. Dumaan man ang ilang taon, hindi bumitaw si Mel sa laban at hinikayat ang kanyang kasamahan na manindigan para sa kanilang karapatan.Alamin kung nakuha ba nila ang inaasam na hustisya at panoorin din kung ano-ano pa ang problemang haharapin ni Mel.

Panoorin ang “MMK” sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Markus Paterson, mas kinilala ang sarili sa bagong single na ‘Help’

KarJon at iba pang Kapamilya stars, tampok sa ‘Dear MOR Celebrity Specials’