Sa Facebook video post ni Kapuso PR Girl, natanong si Jeric Gonzales kung anong challenge ang pinagdaanan at nalampasan niya sa showbiz.
![](https://phentertainment.net/wp-content/uploads/2020/07/jericgonzalesstrugglesashowbiz.jpg)
Kuwento ng ‘Magkaagaw’ star, “Napakadaming challenges na hinaharap ng isang aktor pero para sa akin ang pinaka na-overcome ko talaga ay ‘yung pagkakaroon ng confidence sa pag-arte. Kasi nung pumasok ako sa showbiz, pagkanta at pagtugtog lang ang alam ko pero hindi ako nag-give up na matuto at mag-workshop. At saka sa lahat ng mga nakakasama kong veteran actors, nakikinig talaga ako sa kanila when I ask for their advice para mapaganda ‘yung trabaho na ginagawa namin. Dahil dun, na-overcome ko ‘yung fear, na-build yung confidence ko.”