in

Jeepney TV, may watch party ng ‘Isusumbong Kita Sa Tatay Ko’ sa Facebook

Inaanyayahan ang fans ng King of Philippine cinema na si Fernando Poe Jr. na makisali sa watch party ng pelikulang “Isusumbong Kita Sa Tatay Ko” sa Facebook page ng Jeepney TV ngayong Huwebes (Agosto 20) bilang pag-alala sa ika-81 kaarawan ni FPJ.  

Balikan sa unang pagpapalabas ng remastered version ng “Isusumbong Kita Sa Tatay Ko” online ang hindi makakalimutang pagsasama nina Da King at Judy Ann Santos sa isang pelikula. 

Kwento nito ang buhay ng isang auto repair shop owner na si Badong (FPJ) at ng kanyang anak na si Joey (Judy Ann) na mag-isa niyang pinalaki dahil sa maagang pagkamatay ng kanyang asawa. Tila haharap ang masayang pagsasama ng mag-ama sa isang pagsubok nang muling nagkita si Badong at ang kanyang kababata na si Beth (Aileen Damiles) at ito ay may dalang pangamba kay Joey.  

Unang ipinalabas noong 1999 mula sa Star Cinema, ang “Isusumbong Kita Sa Tatay Ko” ay naging matagumpay sa takilya at naghatid kay FPJ at Judy Ann para tanghaling “Box Office King and Queen” ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation noong taong 2000. Ni-restore at remaster naman ng ABS-CBN Film Restoration ang nasabing pelikula noong 2017.  

Ang espesyal na pagpapalabas ng “Isusumbong Kita Sa Tatay Ko” ay handog ng CinePoe Babad TV sa Facebook page ng Jeepney TV na sa ngayon ay mayroon ng 2 milyong likes at 3.1 milyong followers.  

Makisaya sa “Isusumbong Kita Sa Tatay Ko” watch party bilang pagpupugay sa kaarawan ni FPJ. Abangan ito ngayong Huwebes (Agosto 20), 7pm sa Facebook page ng Jeepney TV. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Best Actress Award, most memorable kay Janine Gutierrez

‘Idol PH’ finalist na si Lance Busa, ire-release na ang debut single na ‘Sa Aking Mundo’