in

Janine Gutierrez at Rayver Cruz, sumabak sa “Can’t Say No” challenge

Hindi inurungan ng Kapuso actor na si Rayver Cruz ang inihandang challenge para sa kanya ni Janine Gutierrez. Sa latest vlog ng aktres, ginawa nila ang “Rayver Can’t Say No Challenge.”

Game na game si Rayver sa mga pinagawa ni Janine katulad ng paliguan ang kanyang pet dog, ipagluto siya ng dumplings, ipagbukas siya ng butong pakwan at iba pa.

May isa nga lang challenge na mukhang nahirapan talaga si Rayver at ito ang pagbura ng Mobile Legends app sa kanyang phone. Hilig pa naman kasi ng aktor ang paglalaro nito!

Willing kaya niyang gawin ito para kay Janine? Alamin sa full video sa YouTube channel ng aktres!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Aicelle Santos at Maricris Garcia, reunited dahil sa ‘Wish Ko Lang’

Ken Chan, may video para sa mga apektado ng COVID-19