in

Jane de Leon, pinagdududahan na sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Madiskubre na kaya ng Black Ops na pinoprotektahan ni Lia (Jane De Leon) si Cardo (Coco Martin) at ang buong Task Force Agila?

Pagdududahan na si Lia ng mga kasamahan niya dahil madadatnan nilang ligtas ang dalaga mula sa pagkakabihag kay Cardo nang hindi ipinapaalam sa kanila ngayong linggo sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” na napapanood gabi-gabi sa A2Z at TV5.

Magsisinungaling naman si Lia sa kasintahan niyang si Albert (Geoff Eigenmann), ang lider ng Black Ops, na nakatakas siya mula sa Task Force Agila, habang wala pa ring kamalay-malay si Albert na pansamantalang naninirahan ang grupo ni Cardo sa bahay ni Lia para makatago sa mga awtoridad.

Ngayong magkaaway na sina Albert at Lia, mas malalagay sa alanganin ang buhay ni Cardo at ng kanyang grupo dahil pati si Lia at ang pamilya nito ay pagdududahan na ni Albert.

Matuklasan na kaya ni Albert ang pagtulong ni Lia kay Cardo? Makahanap pa kaya ng bagong lugar na matataguan ang Task Force Agila?

Huwag palampasin ang mga maaaksyong eksena sa “FPJ’s Ang Probinsyano” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “FPJ’s Ang Probinsyano.” Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang abscbnpr.com.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Papremyo at saya, aapaw sa ‘Showbiz Play Pa More’ ng Jeepney TV at Kumu

Alden Richards, wish na makilala ang kanyang special someone ngayong taon