in

Ilang mga fans, sinampal ni Maine Mendoza ng katotohanan

Mukhang hanggang ngayon ay marami pa ring mga fans ang hindi makapaniwalang nakahanap na si Maine Mendoza ng totoong lalaking magmamahal sa kanya at kita naman sa mga posts nila sa social media – masaya sila ni Arjo Atayde.

2 days ago lang ay kinabog nina Maine at Arjo ang social media dahil sa kanilang ‘Tala’ dance challenge na effortless umabot ng isang milyon nang wala pang 24 hours. Agad ding nagtrending ang dalawa at pinag-usapan sa mga showbiz sites.

Pero ngayong hapon lang ay nag-iba na naman ang ihip ng hangin at ipinatrend ang #NoToArjoTheUser para ipakita ng ilang fans na hindi pa rinm buwag ang AlDub Nation – ang naunang love team ni Maine nang una siyang sumabak sa showbiz at sumikat.



Pero sorry sa mga boomers! Napakasimple ng tweet ni Maine at siguradong sagad hanggang buto ang sakit sa mga delusional fans na nag-iinsist ng hindi totoo. “Wow, some “fans” made #NoToArjoTheUser trend today. Congrats! But I say #YesToArjo. β™₯️”

Boom!

Written by Catri Onay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Bagong GMA Network musical-variety show ‘All Out Sundays,’ waging-wagi ang pasabog

‘One of the Baes’ tuloy-tuloy pa, ‘The Killer Bride’ last two weeks na lang