in

Hit Thai series na ‘2gether,’ magpapakilig na sa Kapamilya Channel ngayong Lunes

Mag-uumapaw ang kilig sa Kapamilya Channel dahil darating na ang love story nina Tine at Sarawat sa hit na Thai romance-comedy series na “2gether The Series” simula Lunes (Hulyo 27), 10:30 PM.

Matapos mapanood sa iWant, sa cable at satellite TV naman masusubaybayan ang Tagalized  series tampok ang blockbuster tandem nina Bright Vachirawit at Win Metawin tungkol sa dalawang college students na magkukunwaring magkasintahan at magkakaibigan.

Bukod sa “2gether,” handog din ng Kapamilya Channel ang sequel nitong “Still 2gether” na ipapalabas na ngayong Agosto.



Magpapatuloy sa limang episodes ng “Still 2gether” ang pag-aaral nina Tine at Sarawat sa kolehiyo habang hinaharap nila ang mga pagsubok sa buhay at pag-ibig bilang magkasintahan.

Dagdagan ng good vibes at kilig inyong mga gabi mula Lunes hanggang Biyernes sa panonood ng “2gether The Series” simula Hulyo 27, 10:30 PM sa Kapamilya Channel sa SKYcable 8 sa SD  at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa. Mapapanood din nang live ang Kapamilya Channel sa iWant app at iwant.ph.

Para makita ang mga programa ng Kapamilya Channel, bisitahin ang kapamilyachannel.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

ABS-CBN, inaalok sa gobyerno ang paggamit ng transmission network at educational programs nito para sa pag-aaral ng mga estudyante

Ken Chan at Rita Daniela, nagkaaminan na